post partum

sabi ko kanina sa chat,

namiss ko yung stellar bigla. wala lang. tapos natype ko, sana di ko nalang nakilala si ..., pero binura ko kagad.
kasi kung wala sya, wala akong emilio.

ang galing na you can love someone as much tapos you just met. yun yung feeling pag tinitinan ko si emilio, parang sino tong itchyworm na ito, (muka kasi syang uod sa swaddle me nya). tapos nakakatuwa lang talaga.

ang saya saya ko lang. grabe yung hirap ko sa pag panganak pero, okay lang. actually hindi okay, pero okay lang. mahirap iexplain.

i love you baby. :)


Leia Mais

my last post re emilio

we're moving to a different domain. will be chronicling Emilio's adventures there.

for my last post re emilio....





mr. pula very mataba :)




Leia Mais

updated update: mini nursery


manang the puzzle mat expert hahahahah

the rest of the tiles


baby toiletries


hooded towels, sponges, ducky bathrobe, and diapers

toys, teethers, soft soles and baby harness (elmo)

6-12 mos baby clothes

3-6 mos

new born (0-3 mos) baby clothes

caps, scarves, booties, socks

large diaper bag from bebelicious
now packed and ready to gooooooooooooo

bebe's mp3 player na super mura



DIY Diaper Organizer, c/o Mother!!!

finished painting, 1 of 2 safari theme


swaddle me (with test subject: beegol) and boppy pillow (matching prints)

giraffe detail

giraffe

rhino and hippo

elephant, and E for Emilio

Lion (ganda ng tail nya noh)

crib with the mosquito net! haha

fishies na dilat ang mata

crocs


trash bin

baby's side table, books, lamp, some toys and singa-ma-jig!!!! kyot noh

side table whole, floor unfinished tiling...


fish hooks

crib caterpillar

baby toiletries

avent bottles and first years starter kit
took out the bouncer to test (quilt as a whole)

bouncer, newly installed batteries, sings and vibrates :)
theme: safari
color motif: apple green and blue
far from over but... malapit na!!!
we're still changing the paintings sa may crib and buying matching wall clock, framed photos, basta more accents pa, and ofcourse hinihintay ko pa yung mga toys na i ordered from the us. yung mga swing at jumpers/bouncers.

salamat sa dyos natapos na din yung quilt. pinaglamayan talaga namin ni mama, ang hirap mag hand sew ha! that was not an easy feat!


my singamajig in action


before the little tweaks here and there: http://closetx.blogspot.com/2011/05/bb-update.html


diy animal rug...
tsaka yung wall clock...
painting 2 of 2

coming soon






Leia Mais

work and some

i tried turning the musical crib mobile's knob farthest i could and all i get is a minute of song. that wouldn t do. so i decided to get an mp3 player instead for the baby's crib.

nilagay ko sya sa side table, i got a cheap one but it looks pretty decent, heck it actually looks great nga eh. its a speaker that can read micro sd or the usb plug in, wazat called ba... mem stick? you can plug in your psp, ipod, blah blah... its pretty cool. may kasama pang remote.

it retails for 380 ata or 480 could not remember.


i loaded my sd card with rocka-beatles songs, and rocka-abba songs, rocka-michael jackson, and rocka-coldplay, madami pa selection, there's rolling stones, acdc, take that, even shakira. it's their most popular music remastered into baby lullabies. cute. lalo na yung across the universe and the abba songs, bagay talaga.
you can dl from this channel too! http://www.youtube.com/user/SuperSimpleSongs
i also added french lullabies and spanish kiddy songs...

we tested it out. kami ni mama, and guess what, nakakaantok nga. may science ba behind lullabies.

i downloaded the 6 cd set ng fisherprice for lullabies and classical music set sa youtube, and then converted it to mp3.

battery life is very very long, gamit ko palang yung initial charge at kanina pa tumutugtog okay naman, sound is   okay di naman sabog, at crisp and clear naman sya.


------------
naisip ko after nitong whole baby phase eh ililipat ko ng domain tong lahat ng baby entries kasi gusto ko nga ibalik yung project ko. and i'll be keeping this closetx still but for the sole purpose of bargain hunts, and shoes, basta fashion in general, i think it's pretty unfair na i post personal stuff dito sa project blog ko.

and since may leeway pa ako... hahhahhahaha.... babalitaan kita.
how cool is my job, ulitin ko ha... how cool is my job!!!!

inapprove na ng boss namin yung proposed schedule na 4 days work 3 days consecutive rest days!!!
so hello out of town shindigs!!! hello! nice to meet you! o curtsey!

same pay walang bawas, super bait nila, i mean, home based na nga, tapos libre pa laptop libre pa internet, desente ang sweldo, actually malaki yung sweldo compared sa mga ibang work, halos doble, tapos 3 days rest day pa!!!

nag kaopening kami at 2 ang rinefer ko, sana may pumasok sa kanila. single mothers din. ano ba to, parang all of sudden all my friends are single mothers.

-------

congratulations pala to Alex and Karlo! and bouncing baby girl Andy!!!
and also my graf circle friend Benz Diaz, halos sabay kami due date, sino kaya mauuna???

--------

have i told you that priest sucks. yeah. paul bettany, i love you, really, to death even, pero bakit ka tumatanggap ng mga ganyang roles, ano baaaaaaaaaa

xmen was awesssssssssssssssssome!
i mean they had to redeem themselves from the Wolverine movie, sobrang swanget nun.

what else.
pirates boring! mermaid scene ay astig, yun lang ang mejo ginanahan ako, ganto kaboring ha, i stepped out of the cinema mga 40 mins into the film at nag shopping nalang ng mejas. o diba, mas exciting pa ang mejas kesa sa pirates.

hindi ko na maalal yung iba kasi long overdue na yan ADD Movie Review ko.

okay gtg
tenks so mats for reading. love you!

Leia Mais

fs: PAINTINGS

Paintings for Nursery
DIY
Also accepting commission works. text 0917 838 20 85









18 x 18
Mix Media on Canvas
Unfinished. Will update once done.
Canvas 1 of 2
Safari Set 1
2011 June

Florendo

Leia Mais

ang tagal

Lilypie Pregnancy tickers


ob prescribed eveprim, pampanipis daw ng cervix. god ang tagal. ayaw pa ni baby lumabas. masyado ata nag enjoy sa hotel ja...

nag cocontractions na ako minsan, pero hindi yung labor kind, more like braxton hicks contractions.
i'm so tired of being pregnant. sana manganak na akoooooooooooooooo

Leia Mais

PEPSI Sa Akin Ang Pinas




MUST WATCH! hahahhahahaha :)PEPSI ADVERTISMENT

Leia Mais

EMILIO's 4D U/S VIDEO




Leia Mais

my last entry before labor

yiiiii, kinakabahan ako. yung feeling na parang aakyat ka ng stage tapos magbibigay ng speech, or tatanggap ng award, ganun yung feeling ko.


award winner.

chaka. hindi, nauseous maybe. hormones? or food gone bad nanaman ba ito.
kinakabahan and excited na ako makita ang aking beybe. shet. seriously. shet.

habang wala pa sya eh si buster muna ang bida. pati daddy ko pag nagtetext, "goodmorning my daughter, goodmorning my gwapong apo, goodmorning mr buster brown."

may apelido na si buster ngayon. brown. buster brown.
parang pang shine lang ng sapatos.

surprisingly buster love fruits. nababaliw sya sa pineapple. pero i try not to give him too much kasi he passes gas a lot, tapos pag non-dog food ang kinain nya buong gabi syang faafarty.

ang spoiled nitong aso na ito, sana magkasundo sila nung baby, actually sana di nya kagatin yung baby kasi minsan nangigigil sya tapos nag ninip sya, pero di naman kagat talaga pero diba, yung baby!!! kaya kelangan ko ng play yard, aside from the crib. yung mura nalang. di na ako bili ng mahal kasi sinasabon na ako ng nanay ko sa mga stuff na binili ko, sabi nya nung panahon daw nila eh wala namang mga bouncer bouncer na ganyan, or jumperoo. 

eh bakit ba.

advertisement:

i'm selling my camera pala, kasi gusto ko umupgrade :)
if you are interested ito ang link:
http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/3666593/Panasonic+Lumix

takers? anyone?

no, hindi ako mag dlsr, mag canon ixus 220 lang ako. gusto ko yun eh at maganda reviews naririnig ko. :) since magagamit ko na yung camera ko ulit (non buster pictures) sa baby, tapos sa 365 project ko, yes, itutuloy ko yun around september. 

for june july august nakastrict program ako sa gym. ang mura ng gym sa olympia dito, sa avenue hotel, maganda pa yung gym sobra, pinaka okay na gym na nakita ko ha kahit compared sa manila gyms. yung 5k tapos unlimited use of sauna, infinity pool, gym, tsaka classes: belly dancing, yoga, achuchuchu... kaya sana pag dating ng september makabounce back na ako, 168 pounds na ako. o diba. ang target weight ko 115-120. wish me luck!!!

----
on to (very) personal matters:
madami nagtatanong kung speaking terms na daw ba kami ni he who must not be named, itago nalang natin sya sa pangalang voldemort.

hindi. di kami speaking terms, hindi naman sa galit pa ako, disappointed ako dati pero wala na sakin ngayon. first of all, corny man, pero masaya na ako na naghiwalay kami kasi mas okay ako ngayon. at nastrestress lang ako dati sa relationship namin.
okay given, hiwalay na kami, wala ba sya plano mag assume ng ket anong klaseng responsibility?
unang una, sinabihan ko sya na hindi ko kelangan ang tulong nya. totoo naman. hindi ko kelangan lalo na kung mangungunsyami lang ako. alamo yun, ayaw ko yung mag depend sa taong hindi dependable. ayaw ko mag abang or magtext na, wala ng gatas si ganyan, kelangan ng diaper, tapos di mo alam kung magrereply or magbibigay, nakita ko na yang pelikulang yan sa unang anak nya, ayaw kong sumequel. 
sorry hindi talaga sya dependable eh. di ko nga alam kung may trabaho pa yun eh, basta wala, wala akong ineexpect.
tsaka hindi nya ininsist na tutulong sya, kahit sempre sinabi ko yun na hindi ko kelangan, ma-pride kasi ako nun at galit sa kanya. pero yun nga di nya ininsist, masaya na yun nakatakbo sa responsibilidad, wala syang added pang kargado, hindi lang naman isa ang anak nya diba.
ipapa-apelido ko ba? oh no. seriously. NEVER. you can understand naman why, simula nabuo yung baby tumakbo na tapos ihahabol ko yung apelido? yuck. hahahhaa. at apelido lang yan. hindi yan big deal.
ipapakita ko ba yung baby KUNG magreach out sya, hay, hindi, my dear friends, i know deep in my heart na malaking pagkakamali yung naging kami, at nabuntis nya ako, at nagmahal ako ng taong katulad nya, ano ba sya? hindi ko na kelangan elaborate, pero para isubject ko yung anak ko sa pain and a life of disappointment from a father like him, hindi nalang. salamat nalang. malaki na yung donation nya, yung kanyang sperm donation, okay na, i can take it from here. mabait ang pamilya ko at sinalo nila ako. i am very very grateful sa pamilya ko. as i write this i can feel my heart swell. my family has given me so much support and understanding and blessings that i can not even fathom why they do still. after everything, everybody is excited. i feel so loved and blessed. really.
kung may message ba ako kay voldemort ano iyon?

i know it deosnt mean shit to you but thank you for the baby. it's the very best thing that ever happened to me. and it made me realize so much. and it paved the way to a better understanding in life. i have matured 100x, i am 100x stronger, and better. 


 

Leia Mais

oh hello, you're still there

super tagal ko ng di nag update about several things na alam ko ngayon eh makakalimutan ko na lahat.

re baby stuff, tinamad na ako mag post kasi ubod ng dami ko ng nabili online as in no exagg super dami na hindi ko na kayang mag picture picture at magreview.

pero nakahanap ako mga mura for bottles (avent mga around 1.6k for 5 bottles)
mura baby gear (fisher price) (jumperoo mga 7k versus sm's price na 10k) (bounce and spin froggy 5k) (booster seat 3k, rainforest design)
apocarthy set, yung mga baby toiletries mga less 10-20% kesa sa SM
mga damit, dumating na siguro mga isang balik bayan box ng mga damit, di na magkasya sa drawers, hindi advisable bumili online nito hindi ako masyado nakadiscount kasi sa old navy talaga binili at hindi sa "suppliers"
yung shoes madami din ako link, ito mura... soft soles and hard soles, pati crocs na usually 2-3k dun sa supplier ko mga 1.6k lang isa.
and yung costumes. hindi din to advisable kasi umaabot ng 700-2k yung costumes, kung maluho lang kayo, gora lang may mga links din ako.

basta lahat yan may links ako, kahit anong kelangan nyo, from breastfeeding pillows to baby carriers, bumbo chairs, may mga suki na ako na sobrang less 500-2,000 compared kung bibilin nyo sa mall.

lahat din yan branded.

pati ipad, iphone4 meron na din ako alam na sobrang mura, like yung iphone4 28k, tapos yung ipad 18k

basta kung may kelangan kayo you can always pm me for the links, or leave comments, or dun sa shout out box. i'm always happy to shareeeeeeeeeeeeeeeeeeeee

--------------------------------------

movies:
next time na, siguro bukas, kasi andami ng naipon na hindi ko narate. (hahhaha) feeling importante ang rating and reaction ko.

series:
ganun din.

----------------------------------------

baby update:
2 weeks nalang due date ko na.
at sobrang lahat na ata ng sakit sinagap ko na. 
nakaleave ako for 3 days kasi nag papahinga aketch. ang taas din ng blood pressure ko, at... hinehemorhoids ako ng bigtime. yuck noh, pero oh well, "normal" daw yan sabi ng ob ko, pero hindi na talaga ako makagalaw, ang bigat ko na at nanghihina na din ako.

-----------------------------------------

talk to you again soon

-----------------------------------------

or maybe not, baka bigla nalang ako mag labor ng wala sa oras at hindi na makapag update :)

------------------------------------------



Leia Mais