okay, hayaan nyo lang ako mag emote.
dumating na yung first batch ng onesies at frog suits.
nung pagabot sakin ng package kinilig na ako.
pagbukas ko, natuwa ako talaga ng sobra.
tinanggal ko yung isa sa plastic, at inilatag sa kama.
naiyak ako.
totoo na to. ang weird man, pero pag latag ko sa kama nung damit parang gustong sumabog ng puso ko. ang liit liit. tapos ang lambot, ang linis.
para akong namalik-mata na yung baby na yung hawak ko.
nagulat ako at iba yung feeling.
parang yung tuwa mo galing sa pinakaloob loob loob loob ng katawan mo. tapos di na kaya icontain, unti unti nalang aapaw.
malalim na paghinga.
ano pa kaya kung hawak ko na sya talaga.
iba pala talaga.
hindi mo maexplain. at di maiintindihan ng kahit sino, unless ikaw mismo makaranas.
ito yung mga pagkakataon na talagang maniniwala ka na may diyos nga.
yun lang. sige ayaw ko lang palampasin yung pakiramdam. gusto ko isulat kagad. lagyan ko pics soon. :)
mga train train, funny looking fishies ,at cars and candy stripes yung mga design, at lahat may hoodie. cutie cutie.
on expecting
who-lah!
after a couple of days lahat ng ngayon, will be so last year na daw.
true.
i have nothing to blog about today cept the fact na maganda yung lars and the real girl.
nachop chop din yung off ko. nagsplit off yung akin for the holidays, double pay naman ata. grabe ang mga paulan ng bonuses ngayon! talagang nakakakilig!
ay i share ko lang, malapit na matapos ang year of the dragon, at mahihirapan naman daw ang lahat ng 1986 (dragon) pag dating ng rabbit year. so kung 1986 ka, lagot ka! buti nga sayo! lulz!
maganda naman ang forecast for me after the chinese new year, things will definitely pick up pa. dirediretso lang daw ang asenso dahil prineprepare ang buhay for 2012 - 2013 yan daw ang pinaka maswerteng mga taon for yours truly. hindi yan applicable for all the oxen, sakin lang. haha. kaya kung ox ka din magpahula ka sa sarili mong chinese gay friend, wag mong angkinin ang akyen.
may sarili akong prediction and advice para sa mga atat na atat na for next year, i bet ang panget ng taon nyo ngayon ano pero wag mag alala mag suot lang ng pink all thru out the year at huwag maligo ng huwebes para suwertehin. magsuot ng luya sa leeg kapag umuulan at iwasan mag flush ng toilet between 11pm to 3am para sa masaganang love life!
(ano ba yang mga ganyang advice! may nauuto pa ba nyan?)
o sya i ll leave you with a quote from Stuart Chase.
"For those who believe, no proof is necessary. For those who don't believe, no proof is possible."
chararat!