Wednesday, December 22, 2010

on expecting

okay, hayaan nyo lang ako mag emote.
dumating na yung first batch ng onesies at frog suits.
nung pagabot sakin ng package kinilig na ako.
pagbukas ko, natuwa ako talaga ng sobra.
tinanggal ko yung isa sa plastic, at inilatag sa kama.
naiyak ako.
totoo na to. ang weird man, pero pag latag ko sa kama nung damit parang gustong sumabog ng puso ko. ang liit liit. tapos ang lambot, ang linis.
para akong namalik-mata na yung baby na yung hawak ko.
nagulat ako at iba yung feeling.
parang yung tuwa mo galing sa pinakaloob loob loob loob ng katawan mo. tapos di na kaya icontain, unti unti nalang aapaw.
malalim na paghinga.
ano pa kaya kung hawak ko na sya talaga.
iba pala talaga.
hindi mo maexplain. at di maiintindihan ng kahit sino, unless ikaw mismo makaranas.
ito yung mga pagkakataon na talagang maniniwala ka na may diyos nga.

yun lang. sige ayaw ko lang palampasin yung pakiramdam. gusto ko isulat kagad. lagyan ko pics soon. :)
mga train train, funny looking fishies ,at cars and candy stripes yung mga design, at lahat may hoodie. cutie cutie.

0 comments:

Post a Comment