Monday, December 20, 2010

Family Is The Best

wala ng mas spoiled pa. exag na, my mom would ask me what i want for lunch and dinner, at talagang ket ano, KAHIT ANO ang gusto ko yun ang maiha-hain.

para akong nakapila sa death row.

potato gratin, roast beef, tausi chicken feet, spaghetti, linguine, mashed potatoes, baked potatoes, grilled lamb (c/o lehmann's), steaks, palabok, sushi, kare kare, lechon, lechon paksiw, lechon kawali, kaldereta, pochero, spicy pata with beans, gambas, callos, sinigang, burgers, pizza, vegetable tempura, baked macaroni, alimango, lemon butter cream dori, sardines, hotdog, pancakes, icecream for dinner, cereal for lunch, walang katapusang dessert, pistachio cake, oreo, almond roca, taho, inihaw na liempo, fried rice, lahat ng klase na luto ng itlog, kohol, ginataan, baked mussels, chicken- pastel, roast, soup, fried, tinola. spare ribs rice, asado rice, lahat na. as in di ko na maalala yung iba, talagang ipagluluto nya ako! kung di ko na kaya mag antay, salamat sa diyos at may delivery pa rin sa probinsya.

grabe talaga!
ngayon ko sya naappreciate, kasi dati parati lang kami nagaaway. kasi OA siya. eh OA din ako. pero mas madrama sya ng mga 2 points kesa sakin.

kahapon nagsigawan na naman kami, after an hour pumasok sa kwarto ko may dalang mga prutas, sabay tanong ng "ano gusto mo for lunch?". Tinext ko nalang sya ng "sorry mama", kasi nahihiya ako.

I have the best mother, hindi perfect, pero super pasalamat na ako sa diyos. :)
gusto ko syang ganyan, mabait na baliw, na makulit. para may balance naman sa strict kong tatay na bawal tumawa ng more than 30 seconds. kaya pinagsama sila ng diyos kasi para magcompliment sila, yata?

maya't maya naman ang text at tawag ni mannyf. parati nya akong tinatanong kung may kelangan ako. parati sya nagtetext na wag daw ako hi-blood para di daw maging ganun yung baby. wala na akong mahihingi pa sa totoo lang.

napakabait din ng kapatid ko, sya tiga tulong sa work ko ngayon, tinuruan ko na sya, para maka-nap daw ako at di mapagod, halos araw araw may pasalubong saking kung ano ano. at nagmistulang errand boy slash driver ko na sya, punta dito bili jan, kunin to, withdraw dun.

san ka makahanap ng pamilyang ganyan?

marami man dumating at umalis sa buhay, sila jan lang forever. at mahal ka nila kahit mega-flawed ka din. diba, bakit ganun? ang swerte ko lang.

0 comments:

Post a Comment