naalala ko bigla nung bata ako, gusto kong mahuli yung ilaw sa ref.
sisindi yung ilaw pag bubuksan yung pinto ng ref, sasara din yung ilaw kasabay ng pagsara .
uupo ako nyan sa sahig at dahan dahan kong sasaran yung ref, at bubuksan, akala ko pwede kong dayain yung ilaw.
ganun din sa washing machine. yung waching machine namin nun eh pag binuksan mo yung lid, titigil yung pag ikot, minsan automatic mag-dre-drain pa, aakyat ako sa washing machine namin at paglalaruan yung pinto nya bukas sara bukas sara, sige-hinto naman ang pag ikot.
pati microwave pag binuksan yung pinto titigil din yung microwave. mahilig ako mangalikot ng appliances nuon kaya parati ako nakukuryente. distrongka ng kung ano ano, remote, rc car ng utol kong lalaki, kung ano ano lang, para akong naka-speed.
speaking of kuryente, spatan nyo to:
http://kuryentediaries.posterous.com
![]() |
hala sige! drawing pa! |
minsan pag na-alala ko lahat ng kakulitan ko nung bata, yang mga pag drawing sa pader, at pag gupit ng mga punda sa kama, may gunting-phase ako nun eh, lahat ginugupit ko, pati yung buhok ng kapatid kong lalaki, bangs ko, at siko nung maid namin nagupit ko na din.
naiisip ko tuloy ano kaya mga trip ng anak ko pag laki laki nya. aakyatin din kaya nya yung mga cabinet, matutulog din kaya sya sa ilalim ng kama? gugustuhin din kaya nyang kumopkop at mag alaga ng mga kung ano anong ligaw na hayop?
malikot sya sa tsan, malikot din kaya sya sa paglaki?
1 comments:
hello! im a stranger. stumbled upon your tumblr by random -- as i said tapos followed the link back to here. nakakatuwa ka. are you on facebook too?
Post a Comment