Tuesday, April 12, 2011

DRA-MUH

i cried again kanina, you know why? cause i felt so helpless. tapos nag panic ako. and grabe, nagpanic lang talaga ako.

diba buster's been sick nga lately, tapos kanina dinala ko sya uli sa vet, dineworm sya, bumili pa ako ulit nung science diet nya and additional fungal soap and shampoo.

chura nyan! nagpapa-awa!

wala si mama, nag punta manila again, walang food, nag padeliver nalang ako. kakain na ako, tapos si buster nakatingin lang sakin with those huge puppy eyes. naguilty naman ako kaya balak ko sya pakainin muna bago ako kumain, lumabas na kami ng kwarto inayos ko yung food nya, nilabas ko na yung syringe para pangmeasure nung lc scour, sinubo ko, nagwawala sya, ayaw nya, di ko alam bakit, usually kinakain naman nya yan. so hawak sya ni manang, palag sya ng palag, priness down ko na yung syringe, bumula yung ilong nya at yung bibig nya, daming bula... super dami... tumayo na ako at tumawag sa vet... at sempre super iyak ko, bakit sya nag kakaganyan, akala ko talaga mamatay na sya.


antokin

after a while tumigil na yung pag bula, thank god, super nastress ako, sumakit yung puson ko, di na din ako makahinga kakaiyak.

magpapalit na ako vet. kasi tong vet ko ngayon, walang ginawa kundi mag reseta ng kung ano ano gamot. as in puro gamot at kung ano ano yung pinabibili sakin, umabot na ng 3k yung meds ni buster tapos ganyan pa mangyayari. parang lahat na ginagawa ko, tapos nakakasama pa din... nakakafrustrate.

sya na may ari nung preggy pillow

iniisip ko tuloy, aso lang yan ha, pano pa kaya kung anak mo, ano kaya na, maghysterical ka na sa kaba.

hayyy buhay.

nung college ako, niya-yaya ako parati ni aila tumambay after school, di ako maka-oo kasi nag mamadali na ako umuwi, wala kasing kasama si happy (yung una kong pug). miss ko na sya at tuwing lunch tumatawag pa ako sa maid namin para icheck yung aso. baka kasi hindi naka on yung fan, di napalitan yung tubig, di sya nakatakbo takbo kahit sandali sa garden.
alam ni aila yan, na puros happy nalang daw ako. or kung papayag man ako sumama, kelangan sa cubao din lang, dahil kelangan ko makauwi din kagad.

ganun din ngayon, di ako makamall ng matagal, dahil kahit may tao dito, hindi ko kaya iwan si buster ng matagal. kaya sa totoo lang yung mga nanay na naiiwan yung mga anak nila para sa gimik gimik lang di ko talaga maintindihan, or iiwan pa sa ibang tao or sa kanikaninong kamag anak para makabisyo. fine, sige. oo, gets ko kung iwan ng tatay, kasi wala naman talaga bond ang tatay with anak, di katulad ng nanay, dinala mo yan for 9 mos, ikaw yung buong buhay nya, sayo sya nakasandal. napag usapan nga namin ni meg (single mother din) kung paano nabago yung buhay nya nung nagkaanak sya, at mas masaya sya ngayon, hindi nya namimiss yung dati, dahil di na daw nya maimagine yung buhay ng wala si ali (yung anak nya). :)

meg and ali

ako lang ata toh dahil extra extra sensitive ako ngayon dahil akala ko mawawala si buster. mala near death experience ba! :)

0 comments:

Post a Comment