so ito, halos lahat ng online stores, nagiging friends ko. ang sweet nila, super, yung isa single mother din, so sinulatan nya ako ng mga 3 pages back to back ng kung ano ano lang :) pati horoscope ko sinulat, nagdrawing drawing din. :) sulat ito na: papel at tinta ha, hindi email. hindi na din nya pinapatungan order ko, halos at cost na nya binibigay :)
yung isang online store owner, suki na din ako, may inorder ako sa kanya na socks, magkaiba yung size na naibigay sakin, yung isang paa small, yung isa large. ako naman, okay lang kasi socks lang as if naman mahahalata yun tsaka 80 pesos lang ata yng socks. sinabi ko lang sa kanya na magkaiba yung size na naship nya, sabi nya pili daw ako ng pang palit, hindi na ako pumili kasi gora na sakin yun, okay lang talaga.
biglang after a week or so, may dumating na package at may letter...
pagbukas ko...
wow, super natouch ako at nagulat. as in, kasi sa halagang 80 pesos nakakuha ako ng baby fleece hooded jacket na may animal ears!!! ang bait bait lang naman talaga! :)
speaking of touching moments...
as usual nag-katampuhan nanaman kami ng tatay ko, nagrereklamo sya kasi mabagal daw ako mag ipon ng pera, gusto nya kasi 90% ng salary ko ideposit ko sa savings acct ko, eh lately, mga 2 mos, half lang nadedeposit ko kasi andami ko gastos, yung pinakamabigat eh yung aso tsaka yung training nya.
buster enroute from legazpi airport to naga |
13,500 yung aso, ang usapan, 13,500 wala na ako dagdag, sya na magshoulder ng shipping fee via cebupaf, nung umaga, sabi nya sakin, padala nya yung puppy before 1pm, eh ako naman sa sobrang excited di nakatulog, tapos mga around 8am naka-idlip ako, at late na nagising!!! katangahan lang talaga!!! so di ko alam ano nangyayari, nagmabilis lang kami sa banko at nagdeposit ng pera. sempre, keeping our fingers crossed na hindi ako mascam, dahil lipad yung 13,500 at di naman ako richeroo na okay lang sakin yun... dumating yung aso. yey!!! at ang ganda nya! at grabe, pag nagkapug ka talaga, wala na, pug person ka na forever.
![]() |
ang aking trainer |
yung training basic ob is 15 k, pero parang may promo yung nagtretrain kaya 8k nalang. kukunin ko na si buster baka mamaya, or sa 8... april 8. kasi april 8 yung end ng contract eh. pero diba, mabigat pa din, on top of the bayad ng aso...
so back to my daddy-o. ang init ng ulo nya sakin. di naman ako pinagalitan masyado pero ang cold ng mga texts nya, at since sensitive skin ako, naasar talaga ako.
kaso sinurprise nanaman nya ako... pinadalan ako ng food from Taste of LA.
alam nyang favorite ko yan, kaya ayan!! whole slab ng baby back ribs at 2 box ng shrimp pizza. :)
people tend to surprise me and kill me with kindness.
teka di pa tapos.
so after a day or 2, nagbwisit nanaman ang tatay ko, di daw ako nagtetext, hahaha. shet lahat nalang may reklamo sya. so dedma lang kami ni madurr kasi pati sya pinagtritripan.
laughtrip kasi tong nanay ko, nagpunta ng faith healer, (di ko alam kung tatype ko to, dahil nakakahiya ka bebeng!)
so text ng tatay ko: kasama mo ba si mama mo mag pa4d, sino kasama mo? tell me the truth.
so ako naman: si jr, pinagdrive nya ako, tapos sumunod si mama after a while kasi nasa doctor din sya.
papa: anong doctor? sa head? or sa negative attitude?
ako: faith healer. no joke, di ko alam ano trip nya.
papa: dalhin natin sa circus sa birthday nya, sama sama sila ng clowns dun. ibang klase talaga nanay mo inuna pa nya yung kulam kulam nya kesa sa doktor mo.
ako: (totoo naman) naiba kasi yung oras ng appt ko papa, nagpa-anak kasi yung doktor kaya napaaga kami ng punta.
si mannyf at bebeng sa garden (palakihan sila ng tsan!) |
so anyway, bati na kami diba...
papa: andami mo kelangan sa antipolo, i'll buy the tv, ref, and kitchen needs. you have to save, for your car.
jack: yes papa. i'm saving nga!
papa: magkano na nalagay mo sa acct mo?
jack: (figure)
papa: ano bang pinagaga-gawa mo? bakit yun lang!?
jack: papa, wala pang bonus! teka kakain na kami, tsaka kelangan ko daw magbedrest! matutulog na ako...
papa: pinaglololoko mo ako, okay, bye, read the bible!!!
(di ko pa nasasabi na bumili ako aso! patay nanaman ako nito!!!)
kahit ganyan sila, i feel so blessed to have them as my parents.
nanay ko na parating wala kasi adik sa mahjong.
tatay kong maypagkaeccentric talaga. actually tanggalin mo na yung maypagka, weirdo talaga sya.
mabait sila parehas. at mas nararamdaman ko ngayon kasi pinapamper nila ako. :P
daldal ko ngayon! hahaha! nasobrahan kasi ako sa manggo cake!
4 comments:
Yes, I have great parents too. The times that I fought with my father are the the times that he wanted the best for me. It is always about that. They may have their tiny flaws and cute quirks (like bonsais and faith healers) but those are the self-same quirks that make them adorable human beings.
I am very thankful now that my dad has taken my place in taking care of my little boy. He always takes him to the barber shop, to the mall, to eat out, and have fun. I feel at peace when my dad tells me not to worry about my boy. I can never thank him enough for that. I know that someday he will bring my boy back in my arms.
My dad also gets surprised when he finds out about my savings. Yun lang? Well dad, unless itali ko sarili ko sa kama, dun lang ako makaka save. We need clothes, shoes and yummy food, right Ja? The good thing is we get to set some money aside for the future.
I know you will be a great mom, if not the greatest mom, next to my mom. :) I understand why your dad loves you that way--just look at how you embrace all the moments of your beautiful life. It's not the manggo cake, it's your sweet and beautiful being, inside and out. Always take care, be sure to show me the ultrasound when the baby's no longer camera shy.
sempre naiyak iyak naman ako sa comment mo!
alamo neil... inbox. dun ko nalang sabihin at naeemo ako! hahahahhaa :)
how can they not be kind to you, you're so lavabels jaja! :) take care always!!!
-ria
tenkyu. how r u pala ria? u back from sg?
Post a Comment