yiiiii, kinakabahan ako. yung feeling na parang aakyat ka ng stage tapos magbibigay ng speech, or tatanggap ng award, ganun yung feeling ko.
award winner.
chaka. hindi, nauseous maybe. hormones? or food gone bad nanaman ba ito.
kinakabahan and excited na ako makita ang aking beybe. shet. seriously. shet.
habang wala pa sya eh si buster muna ang bida. pati daddy ko pag nagtetext, "goodmorning my daughter, goodmorning my gwapong apo, goodmorning mr buster brown."
may apelido na si buster ngayon. brown. buster brown.
parang pang shine lang ng sapatos.
surprisingly buster love fruits. nababaliw sya sa pineapple. pero i try not to give him too much kasi he passes gas a lot, tapos pag non-dog food ang kinain nya buong gabi syang faafarty.
ang spoiled nitong aso na ito, sana magkasundo sila nung baby, actually sana di nya kagatin yung baby kasi minsan nangigigil sya tapos nag ninip sya, pero di naman kagat talaga pero diba, yung baby!!! kaya kelangan ko ng play yard, aside from the crib. yung mura nalang. di na ako bili ng mahal kasi sinasabon na ako ng nanay ko sa mga stuff na binili ko, sabi nya nung panahon daw nila eh wala namang mga bouncer bouncer na ganyan, or jumperoo.
eh bakit ba.
advertisement:
i'm selling my camera pala, kasi gusto ko umupgrade :)
if you are interested ito ang link:
http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/3666593/Panasonic+Lumix
takers? anyone?
no, hindi ako mag dlsr, mag canon ixus 220 lang ako. gusto ko yun eh at maganda reviews naririnig ko. :) since magagamit ko na yung camera ko ulit (non buster pictures) sa baby, tapos sa 365 project ko, yes, itutuloy ko yun around september.
for june july august nakastrict program ako sa gym. ang mura ng gym sa olympia dito, sa avenue hotel, maganda pa yung gym sobra, pinaka okay na gym na nakita ko ha kahit compared sa manila gyms. yung 5k tapos unlimited use of sauna, infinity pool, gym, tsaka classes: belly dancing, yoga, achuchuchu... kaya sana pag dating ng september makabounce back na ako, 168 pounds na ako. o diba. ang target weight ko 115-120. wish me luck!!!
----
on to (very) personal matters:
madami nagtatanong kung speaking terms na daw ba kami ni he who must not be named, itago nalang natin sya sa pangalang voldemort.
hindi. di kami speaking terms, hindi naman sa galit pa ako, disappointed ako dati pero wala na sakin ngayon. first of all, corny man, pero masaya na ako na naghiwalay kami kasi mas okay ako ngayon. at nastrestress lang ako dati sa relationship namin.
okay given, hiwalay na kami, wala ba sya plano mag assume ng ket anong klaseng responsibility?
unang una, sinabihan ko sya na hindi ko kelangan ang tulong nya. totoo naman. hindi ko kelangan lalo na kung mangungunsyami lang ako. alamo yun, ayaw ko yung mag depend sa taong hindi dependable. ayaw ko mag abang or magtext na, wala ng gatas si ganyan, kelangan ng diaper, tapos di mo alam kung magrereply or magbibigay, nakita ko na yang pelikulang yan sa unang anak nya, ayaw kong sumequel.
sorry hindi talaga sya dependable eh. di ko nga alam kung may trabaho pa yun eh, basta wala, wala akong ineexpect.
tsaka hindi nya ininsist na tutulong sya, kahit sempre sinabi ko yun na hindi ko kelangan, ma-pride kasi ako nun at galit sa kanya. pero yun nga di nya ininsist, masaya na yun nakatakbo sa responsibilidad, wala syang added pang kargado, hindi lang naman isa ang anak nya diba.
ipapa-apelido ko ba? oh no. seriously. NEVER. you can understand naman why, simula nabuo yung baby tumakbo na tapos ihahabol ko yung apelido? yuck. hahahhaa. at apelido lang yan. hindi yan big deal.
ipapakita ko ba yung baby KUNG magreach out sya, hay, hindi, my dear friends, i know deep in my heart na malaking pagkakamali yung naging kami, at nabuntis nya ako, at nagmahal ako ng taong katulad nya, ano ba sya? hindi ko na kelangan elaborate, pero para isubject ko yung anak ko sa pain and a life of disappointment from a father like him, hindi nalang. salamat nalang. malaki na yung donation nya, yung kanyang sperm donation, okay na, i can take it from here. mabait ang pamilya ko at sinalo nila ako. i am very very grateful sa pamilya ko. as i write this i can feel my heart swell. my family has given me so much support and understanding and blessings that i can not even fathom why they do still. after everything, everybody is excited. i feel so loved and blessed. really.
kung may message ba ako kay voldemort ano iyon?
i know it deosnt mean shit to you but thank you for the baby. it's the very best thing that ever happened to me. and it made me realize so much. and it paved the way to a better understanding in life. i have matured 100x, i am 100x stronger, and better.
2 comments:
I am still here, and I am excited, too. Miss you Jajabean.
:) thanks mia
Post a Comment