kung di pa nag brown out di ako makakaladkad ng nanay ko palabas.
walang internet. walang cable. walang aircon. at namatay na yung laptop ko. hanggang 5 pm daw walang kuryente. asar.
so no choice. nagbingo kami sa Sm at nanalo ako twice ng 500 pesos na consolation prize.
kumain lang ako ng kumain sa lahat ng dati kong kinakainan pag nagtritrip. halos makain ko na ang buong SM.
may katotohanan nga ata ang sabisabi na maswerte ang buntis sa sugal.
nanuod na din ako ng sine, Narnia, at nagulat nalang ako dahil sobrang mura ng sine dito. 90 pesos lang! bago pa yung mga sinehan, ubod ng lamig. madami lang ngang nagiiyakang bata.
nag grocery na din kami. for the first time nakatuntong nanaman ako sa Sm Supermarket.
marami akong nagawa ngayon na akala ko di ko pa magagawa ng mag isa o di iiyak.
mukang umookay na nga ata ako. after 3 weeks ng pagkulong sa kwarto, nag sisimula na naman akong maging ako.
alamo pinakamaganda dito. kasi akala ko di pa ako handa. mali nanaman ako. :)
ito yung mga iilang beses na masaya ako na mali ako.
Thursday, December 9, 2010
Dahil nawalan ng kuryente
Posted by
materialgirl
|
at
4:52 PM
|
Labels:
personal
|
Estou lendo: Dahil nawalan ng kuryenteTweet this!
| Feed.


Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
proud of you, ja! :)
Post a Comment